Launching ng tunnel boring machine para sa Metro Manila Subway Project pinangunahan ni Pangulong Marcos

Launching ng tunnel boring machine para sa Metro Manila Subway Project pinangunahan ni Pangulong Marcos

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglulunsad ng tunnel boring machine (TBM) para sa itinuturing na ‘Project of the Century’ – ang Metro Manila Subway Project (MMSP).

Isinagawa ang seremonya sa Barangay Ugong, Valenzuela City.

Ayon kay Pangulong Marcos ang MMSP ay patunay sa pangako ng administrasyon na pagbubutihin ang buhay ng mga Pilipino.

Pinasalamatan ng pangulo ang gobyerno ng Japan at ang Japan International Cooperation Agency o JICA dahil sa kanilang patuloy na pagsuporta sa pilipinas.

Dumalo din sa launching si Matsuda Kenichi, minister at deputy chief of mission ng Embahada ng Japan sa Pilipinas.

Ayon kay Kenichi, sinimulang planuhin ang subway project sa Pilipinas noon pang 1973 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr.

Inaasahang lilikha ng 18,000 trabaho ang konstruksyon ng subway.

Ang Metro Manila Subway ay tatahay mula sa Quezon City hanggang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa sandaling maging operational, ang biyahe mula sa QC patungong NAIA na kasalukuyang 1 oras at 30 minuto ay inaasahang magiging 35-minuto na lamang.

Tinataya ding aabot sa 519,000 na mga pasahero ang makikinabang sa proyekto.

Inaasahang matatapos ang proyekto sa taong 2027. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *