DOH binalaan ang publiko sa mga peke at malisyosong impormasyon gamit ang larawan ni Usec. Vergeire
Kinondena ng Department of Health (DOH) ang paggamit sa larawan ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire para magpakalat ng peke at malisyosong mga impormasyon sa social media.
Paalala ng DOH sa publiko ang naturang scenario o pahayag ay hindi nagmula sa DOH o sa mga opisyal nito.
Ayon sa DOH, ang mga non-communicable diseases at comorbidities gaya ng heart disease at hypertension ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng health habits at healthy lifestyle.
Kabilang dito ang pagkakaroon ng proper diet at pag-eehersisyo.
Mas mainam ayon sa DOH na magkaroon ng tauhang check-up o pagpapakonsulta. (DDC)