No Guns, No Fly Zone ipatutupad sa Traslacion 2023 – NCRPO

No Guns, No Fly Zone ipatutupad sa Traslacion 2023 – NCRPO

Inihayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director, Major General Jonnel C. Estomo na all systems go na para sa pista ng Itim na Nazareno Traslacion 2023.

Pinangunahan ni Estomo kasama si District Director, Manila Police District BGen Andre Dizon ang send-off ceremony sa deployment ng kabuuang 5,559 na pulis para sa Itim na Nazareno 2023 na idinaos sa Quirino Grandstand, Manila.

Ipapakalat ang mga pulis sa  Quiapo Church, Quirino Grandstand, at Law Enforcement Checkpoint.
Samantala, aabot naman sa 175 personnel mula sa BFP-NCR at JFT-NCR ang dineploy bilang support units.

Sa kasagsagan ng Traslacion mahigpit na ipinagbabawal ang vendors sa bisinidad ng Quiapo Church; pagdadala ng backpacks maging ang  coloured canisters maliban sa transparent plastic bags at transparent water containers o bottled water.

Ang ganitong hakbang at pag-iingat ay ipatutupad upang mapigilan ang sino mang nagnanais na magpuslit ng mga kontrabando o ibang bagay na magdudulot ng agam-agam sa selebrasyon ng kapistahan at upang  maiwasan ang maaaring mangyayaring insidente.

Habang ang airspace o himpapawid ng bisinidad ng Quirino Grandstand at Quiapo Church sa Maynila ay idineklarang “No Fly Zone” mula alas-12:00 ng tanghali ng Biyernes, Enero 6 hanggang 12:00 ng tanghali ng Enero 10.

Ang lahat ng pantalan (ports) at waterways malapit sa bisinidad ng venue ay bibigyang seguridad din.

Pinapaalalahanan din ang publiko na ipatutupad din ang traffic re-routing.

Kaugnay ng mga aktibidad, suspendido ang lahat ng Permits to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) sa loob ng limang araw sa lungsod ng Maynila simula madaling araw noong Enero 5 hanggang 12:01 ng madaling araw ng Enero 10.

Tanging ang mga miyembro ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, at ibang Law Enforcement Agencies na tumutupad ng kanilang opisyal na mga tungkulin at may kaukulang uniporme lamang ang maaaring magbitbit ng mga baril.

Ito ay para siguruhin ang  Traslacion laban sa firearm-related incidents at kaligtasan ng mga deboto.

Magpapatupad din ang Manila City ng liquor ban para sa nalalapit na pagdjriwang na mag-uumpisa ng Enero 7 hanggang Enero 9. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *