Matatanda, buntis at immunocompromised pinayuhan ng DOH na huwag ng makilahok sa Traslacion 2023

Matatanda, buntis at immunocompromised pinayuhan ng DOH na huwag ng makilahok sa Traslacion 2023

“Maging responsableng deboto”. Iyan ang payo ng Department of Health (DOH) sa mga makikilahok sa mga aktibidad ng Feast of the Black Nazarene ngayong taon.

Sa inilabas na abiso ng DOH, naglatag ito ng mga alituntunin na dapat gawin o tiyakin ng mga deboto bago dumalo sa mga aktibidad.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

– makilahok lamang sa mga aktibidad kung bakunado na at nakatanggap na ng booster shot laban sa COVID-19
– ang mga miyembro ng vulnerable group gaya ng senior citizen, immunocompromised at buntis ay hinihikayat na manatili sa bahay
– tiyaking walang sintomas na nararanasan bago magtungo sa aktibidad
– kung may nararanasang sintomas gaya ng lagnat, sore throat, sipon at ubo ay mabuting manatili na lang sa bahay at mag-quarantine
– magdala ng extra face masks, tubig at payong
– magdala ng pamalit na damit at towel
– magdala ng sanitary kits na naglalaman ng alcohol o sanitizer, gamot at bang-aids

Hinihikayat pa rin ng DOH ang publiko na ipagdiwang ang kapistahan sa pamamagitan ng online para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *