200 IPs na nagtungo sa Metro Manila tinulungang makabalik sa Mindanao

200 IPs na nagtungo sa Metro Manila tinulungang makabalik sa Mindanao

Tumulong ang Philippine Coast Guard (PCG) para ligtas na mapauwi ang panibagong batch ng mga indigenous people (IP) sa Jolo, Sulu, at Tawi-Tawi.

Ang mga IPs ay ligtas na naihatid sa Zamboanga City Port.

Ayon sa Coast Guard District Southwestern Mindanao, umabot na sa 200 IPs mula Maynila ang nakabalik na sa kani-kanilang komunidad sa Mindanao.

Nagsimula ang operasyon sa pagpapauwi sa mga IPS noong Disyembre 2022.

Salig ito sa programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang labanan ang pang-aabuso sa mga IPs ng Zamboanga region na pinanglilimos sa mga lansangan ng Maynila. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *