Metro Mayors suportado ang panawagan ni Abalos na maghain ng courtesy resignation ang matataas na opisyal ng PNP

Metro Mayors suportado ang panawagan ni Abalos na maghain ng courtesy resignation ang matataas na opisyal ng PNP

Sinuportahan ng Metro Manila Council (MMC) ang panawagan ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. na maghain ng courtesy resignation ang matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP).

Naglabas ng resolusyon ang MMC na nagpapahayag ng suporta sa apela ni Abalos na layong malinis ang hanay ng pambansang pulisya.

Sa inilabas na Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Resolution No. 23-01, ipinanawagan ng MMC ang paghahain ng courtesy resignations ng lahat ng PNP senior officials at officers sa lalong madaling panahon.

“As a manifestation of their professionalism and patriotism, all PNP colonels and generals must immediately tender their courtesy resignation in order to preserve and protect the credibility of the police organization and remove any and all doubts on its public reputation and stature,” nakasaad sa resolusyon.

Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Romando Artes, bilang public officials, abg mga pulis ay dapat accountable sa taumbayan at tuparin ang kanilang sinumpaang tungkulin na magsilbi at protektahan ang publiko.

Ayon sa Manila mayors kaisa sila ni Abalos sa panawagan maibalik ang public trust sa PNP bilang isa sa pangunahing ahensya na lumalaban sa illegal drugs.

Ilang opisyal na ng PNP ang tumugon sa panawagan ni Abalos. (DDC)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *