Kaso ng fireworks-related injuries umakyat na sa 291; mas mataas ng 55 percent kumpara noong nakaraang taon

Kaso ng fireworks-related injuries umakyat na sa 291; mas mataas ng 55 percent kumpara noong nakaraang taon

Umabot na sa 291 ang bilang ng naitalang fireworks-related injuries ng Department of Health (DOH) simula noong Dec. 21 hanggang 5, 2022.

Ayon sa DOH, nakapagtala ng dagdag na 14 pang bagong kaso ng fireworks-related injuries.

Ang datos na mula sa 61 sentinel hospitals sa buong bansa ay 55 percent na mas mataas kumpara sa kaparehong petsa noong nakaraang taon.

Ayon sa DOH, ang limang paputok na pangunahing dahilan ng pagkasugat ng mga biktima ay ang Kwitis, Boga, 5-Star, Fountain, at iba pang hindi tukoy na uri ng paputok.

Karamihan sa mga biktima ay nagtamo ng sugat sa kamay (105), mata (80), ulo (39), binti (37), at braso (33).

Wala pa namang naitatalang kaso ng fireworks ingestion.

Habang nananatiling isa ang kaso ng stray bullet. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *