8.1 percent inflation rate naitala noong Disyembre; pinakamataas sa nakalipas na 14 na taon
Bumilis ang pagtaas ng presyo ng produkto at serbisyo noong nagdaang buwan ng Disyembre.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nakapagtala ng 8.1 percent inflation rate noong nakaraang buwan, mas mataas kumpara sa 8.0 percent lamang noong Nobyembre.
Ito rin ang pinakamataas na inflation sa nakalipas na 14 na taon o mula noong Nov. 2008 kung kailan nakapagtala ng 9.1 percent inflation rate.
Ayon kay National Statistician and PSA chief Claire Dennis Mapa, pangunahing dahilan ng mataas na inflation nong Disyembre ay ang mabilis na pagtaas ng presyo ng Food and Non-Alcoholic Beverages.
Kabilang dito ang presyo ng ng gulay, tubers, bigas, prutas at iba pa.
Nag-ambag din sa overall inflation ang pagtaas ng presyo ng sibuyas. (DDC)