PNP chief Azurin nagsumite ng courtesy resignation
Isinumite na ni Philippine National Police (PNP) chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. ang kaniyang ‘courtesy resignation’.
Ito ay kasunod ng apela ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos sa mga full-fledged police colonel at general na magsumite ng courtesy resignation bilang bahagi ng ‘internal cleansing’ kontra iligal na droga.
Hinikayat din Azurin ang 955 third level police officials na pawang binubuo ng mga colonels at generals na tumalima sa apela ni Abalos.
Una nang ibinunyag ni Abalos na marami pa ring matataas na opisyal ang sangkot sa kalakaran ng ilegal na droga.
Dahil dito ay umapela ang kalihim sa mga opisyal ng PNP na magumite ng kanilang courtesy resignation sa layong masawata ang mga opisyal ng pambansang pulisya na sangkot sa illegal drugs activities. (DDC)