Yellow Warning umiiral sa Metro Manila, Rizal at iba pang kalapit na lalawigan
Nagpalabas ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.
Bunsod ito ng patuloy na pag-ulan na nararanasan sa buong NCR at sa mga kalapit na lalawigan sa Luzon.
Sa inilabas na abiso ng PAGASA as of 11:00 ng umaga ngayong Huwebes, Jan. 5 ay nakasailalim sa Yellow Warning ang sumusunod na mga lugar:
– Metro Manila
– Rizal
– Bulacan
– Pampanga
– Bataan
– Zambales
– Tarlac
– Nueva Ecija
– Quezon (General Nakar, Infanta,
Real, Burdeos, Panukulan, Patnanungan, Jomalig at Polillo.
Samantala, mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan naman ang nararanasan sa Cavite, Batangas, Laguna at sa nalalabi pang bahagi ng Quezon.
Pinayuhan ng PAGASA ang publiko at ang local disaster risk reduction and management offices na mag-antabay sa susunod na abiso na ilalabas ng weather bureau. (DDC)