Pangulong Marcos nakipagpulong kay Chinese Pres. Xi Jinping
Nagkaroon ng bilateral meeting sa pagitan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Chinese President Xi Jinping.
Ang nasabing pulong ang highlight ng State Visit ni Pangulong Marcos sa China.
Ito na ang ikalawang face-to-face meeting ng dalawang lider matapos silang magkaroon ng pulong sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting sa Thailand.
Nagpasalamat si Pangulong Marcos kay President Xi Jinping sa hospitality sa Philippine delegation.
Nangako si Pangulong Marcos na ipagpapatuloy ang pagpapalakas ng pagiging magkaibigan ng dalawang bansa.
“It has now become my responsibility, but certainly my privilege to be able to continue on that legacy, to continue to promote the friendship between China and the Philippines, to continue to bring our peoples closer together,” ayon sa pangulo.
Sumentro ang pulong ng dalawang lider sa soft infrastructure, climate change, renewable energy, people-to-people ties at agricultural cooperation. (DDC)