Apela ng DILG na magsumite ng courtesy resignation ang mga full fledged colonels at generals suportado ng NCRPO

Apela ng DILG na magsumite ng courtesy resignation ang mga full fledged colonels at generals suportado ng NCRPO

Suportado ng National Capital Region Police Office (NCRPO) si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary, Atty. Benjamin “Benhur Abalos Jr. sa layunin nitong wakasan ang ilegal na droga sa bansa.

Partikular na sinuportahan ni NCRPO Regional Director PMGEN Jonnel Estomo ang apela ni Abalos na magsumite ng courtesy resignation ang mga full fledged colonels at generals.

Layunin nitong maisulong ang pangako ni Abalos at ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Rodolfo S. Azurin Jr. na magkaroon ng bagong simula at magwagi sa laban kontra ilegal na droga.

Ayon kay Estomo, bilang Regional Director ng NCRPO, pangungunahan niya ang pagsusumite ng courtesy resignation kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“As the Regional Director of NCRPO, I hereby lead the Team NCRPO generals and police colonels to render our courtesy resignation to His Excellency, President “Bong-Bong” Marcos Jr through the Chief Philippine National Police, PGEN Rodolfo S Azurin Jr and Napolcom Chairman/ DILG Secretary Atty Benjamin “Benhur Abalos Jr for the best interest of the country,” ayon kay Estomo. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *