WALANG PASOK: Klase sa Legazpi City suspendido dahil sa sama ng panahon

WALANG PASOK: Klase sa Legazpi City suspendido dahil sa sama ng panahon

Suspendido ang klase sa mga paaralan sa Legazpi City, Albay ngayong araw ng Huwebes, Jan. 5.

Sa inilabas na abiso ni Legazpi City Mayor Carmen Geraldine Rosal, batay ito sa rekomendasyon ng Legazpi City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).

Sinuspinde ni Rosal ang lkase sa lahat ng antas, public at private dahil sa nararanasang hindi magandang panahon dulot ng Low Pressure Area.

Ang Legazpi City ay inaasahang makararanas ng katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan na maaaring magdulot ng pagbaha, flash floods o landslides.

Inatasan naman ang lahat ng Barangay DRRM Committees, at City Emergency Operations Center na manatiling naka-high alert at magsagawa ng pre-emptive evacuation kung kakailanganin. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *