Malaking bahagi ng bansa uulanin ngayong araw

Malaking bahagi ng bansa uulanin ngayong araw

Hindi magandang panahon ang mararanasan ngayong araw sa malaking bahagi ng bansa dahil sa Low Pressure Area (LPA).

Ang LPA ay huling namataan ng PAGASA sa layong 185 kilometers West ng Catbalogan City, Samar.

Dahil sa LPA, makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ngayong araw sa MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, at Davao Region.

Maulap na papawirin naman na may pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, at CALABARZON dahil sa Northeast Monsoon o Amihan.

Amihan din ang magdudulot ng bahagya hanggang sa maulap na papawirin sa Ilocos Region.

Sa nalalabing bahagi ng Mindanao, makararanas din ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated na pag-ulan at thunderstorms. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *