Pangulong Marcos nakipagpulong sa chairman ng National People’s Congress ng China
Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Li Zhanshu, Chairman ng Standing Committee of the National People’s Congress ng China.
Idinaos ang pagpupulong araw ng Miyerkules, Enero 4 sa Great Hall of the People sa Beijing.
Ito ay bahagi ng state visit ng pangulo sa China.
Ipinahayag ni Pangulong Marcos ang matagal nang pagtutulungan ng Pilipinas at China bago pa man ang pormal na pagsisimula ng diplomatic relations noong 1975.
Siniguro rin niya ang pagpapatuloy nito maging sa ibang aspeto ng kooperasyon lalo na ngayong bumabangon ang mga ekonomiya mula sa pandemya. (DDC)