Insidente ng double debit transaction sa mga customer ng BPI masusing binabantayan ng BSP
Tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nakabantay ito sa mga reklamo ng mga customer ng BPI hinggil sa double debit transaction na kanilang naranasan sa kanilang accounts.
Ayon sa BSP, natukoy na ng BPI kung ano ang dahilan ng naranasang operational error.
Sinabi ng BSP na gumagawa na ngayon ng hakbang ang aturang bangko para maitama ang maling transaksyon at maibalik ang serbisyo ng kanilang mobile at internet banking sa lalong madaling panahon.
Inatasan din ng BSP ang BPI na magsumite ng timeline at updates hinggil sa ginagawa nilang reversal process sa mga nangyaring maling transaksyon.
Ilang customer ng BPI ang nagreklamo na nagkaroon ng unauthorized withdrawal sa kanilang account at may mga nag-reflect na debit memo. (DDC)