Recruitment at manning agencies dapat tulungan ang mga OFW na naapektuhan ng flight disruption sa NAIA

Recruitment at manning agencies dapat tulungan ang mga OFW na naapektuhan ng flight disruption sa NAIA

Inatasan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang lahat ng Private Recruitment Agencies (PRAs) at Licensed Manning Agencies (LMAs) na asistihan ang mga OFW na naapektuhan ng flight disruption na naranasan noong Jan. 1, 2023.

Sa inilabas na abiso ng DMW, sinabi ni Sec. Susan Ople na kailangang alamin ng Recruitment Agencies at Manning Agencies ang pangangailangan ng mga naapektuhang OFWs.

Inatasan din ang lahat ng PRAs at LMAs na tulungan ang mga OFW na mapaliwanag sa kanilang employers kung bakit na-delay ang kanilang dating o balik sa trabaho.

Ito ay para matiyak na secured at hindi maaapektuhan ang employment ng mga OFW.

Pinagsusumite din ni Ople ang mga PRA at LMA ng karampatang report tungkol sa mga naapektuhang OFW. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *