Kumakalat na mensahe tungkol sa respiratory disease sa China hindi galing sa DOH
Itinanggi ng Department of Health (DOH) na sa kanila galing ang mensahe na kumakalat tungkol sa upper respiratory disease sa China.
Ayon sa DOH wala silang ganitong klaseng mensahe na ibinabahagi sa kanilang official social media accounts.
Pinayuhan ng DOH ang publiko na maging mapanuri sa mga nababasa online at huwag basta-basta magbabahagi ng mga hindi beripikadong impormasyon.
Paalala ng kagawaran sa publiko alinmang uri ng sakit lalo na ang respiratory disease ay maaring maiwasan sa pagsasagawa ng mga gawaing makakapagpalakas ng katawan, maayos na sanitasyon, pagsusuot ng face mask, social distancing, magandang bentilasyon ng hangin, at pagkakaroon ng bakuna. (DDC)