Ilang customer ng BPI nagreklamo matapos makatanggap ng “debit memo”; BPI nagpaliwanag

Ilang customer ng BPI nagreklamo matapos makatanggap ng “debit memo”;  BPI nagpaliwanag

Ilang customer ng BPI ang nagreklamo matapos magkaroon ng unauthorized withdrawal at makatanggap ng debit memo notification mula sa bangko.

Nagbahagi ng screenshots sa social media ang mga netizen matapos nilang makita sa kanilang BPI Mobile App ang mga unauthorized withdrawal.

Mayroong nawalan ng P19,000, P17,000, at P4,000.

Miyerkules (Jan. 4) ng umaga ay marami nang naka-post na reklamo sa Facebook.

Sa inilabas naman na paliwanag ng BPI, inamin nito na dalawang na-post ang ilang transaksyon na ginawa ng kanilang mga customer mula Dec. 30 hanggang 31, 2022.

Kabilang dito ang mga transaksyon na ginawa sa ATM, CAM deposits, POS at e-commerce debit.

Siniguro ng BPI na gumagawa na sila ng hakbang para maiayos ang problema at ma-reverse ang mga duplicate transaction. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *