LPA magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

LPA magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

Makararanas ng pag-ulan ngayong araw sa malaking bahagi ng bansa dahil sa binabatnaayng Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA.

Ang LPA ayhuling namataan sa layong 195 kilometers south ng Puerto Princesa City sa Palawan.

Ayon sa PAGASA, dahil sa nasabing LPA, ngayong araw ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa buong Visayas, buong Mindanao at sa Palawan.

Maulap na papawirin din na may pag-ulan ang mararanasan sa Cagayan Valley, CALABARZON, Bicol Region, Aurora, at sa nalalabing bahagi ng MIMAROPA dahil sa Amihan.

Habang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa. (DDC)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *