Liquor ban ipatutupad sa Maynila mula Jan. 7 hanggang Jan. 9

Liquor ban ipatutupad sa Maynila mula Jan. 7 hanggang Jan. 9

Magpapatupad ng liquor ban ang pamahalaang lungsod ng Maynila para sa kapistahan ng Itim na Nazareno.

Sa press conference, sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna na ipatutupad ang liquor ban mula January 7 hanggang sa January 9.

Ito na ang ikatlong sunod na taon na kanselado ang Traslacion sa Quiapo dahil sa pandemya ng COVID-19.

Simula noong 2021 ay hindi idinadaos ang tradisyunal na prusisyon ng Black Nazarene na dinarayo ng deboto.

Bilang bahagi ng aktibidad ay dinala sa Manila City Hall ang imahe ng Poong Nazareno.

Sinalubong ito ng ilan sa mga empleyado at mga bisita ng Manila City Hall.

Ang ilan sa mga replica ng Poong Nazareno ay naglilibot sa ilang mga probinsya at ahensya sa buong Pilipinas upang mas mailapit sa mga tao ang Nazareno at hindi na kailanganing dayuhin ito sa Simbahan ng Quiapo. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *