Bagong Taon sa Metro Manila ‘Generally Safe, Peaceful’- NCRPO
Inihayag ni National Capital Region Police Office Regional Director, Major General Jonnel C. Estomo na ang selebrasyon ng Bagong Taon sa buong Metro Manila ay “generally peaceful” dahil walang naitalang malalaking insidente o krimen.
Sinabi ni NCRPO Chief na walang napaulat na malalaking insidente ukol sa paputok,walang nasaktan sa tama ng ligaw na bala,walang habas na pagpapaputok o may kinalaman sa pagpapaputok ng mga paphtok.
Aniya ang tagumpay na ito ay bunsod ng pinaigting na implementasyon ng “Ligtas Paskuhan 2022″ sa pamamagitan ng S.A.F.E. NCRPO Program na nagpababa sa mga krimen at insidente sa kasagsagan ng Araw ng Pasko at Bagong Taon.
“The metro wide celebration of December 31 New Year’s Eve revelry was resoundingly safe and peaceful,” pahayag ni MGen Estomo.
“These positive developments could be attributed to our early preparations and consistent implementation of various measures,” dugtong nito.
Ayon pa sa opisyal ang pagbabawal sa paggamit at pagbebenta ng paputok at pailaw ay nakatulong ng malaki sa kampanya.
Naaresto ng otoridad ang pitong lumabag sa firecracker ban, dalawang lumabag sa illegal discharge of firearms, at nakumpiska ang mga paputok na nagkakahalaga ng P1,208,710 sa buong rehiyon.
Pinasalamatan ni Estomo ang suporta at kooperasyon ng publiko kaya payapa at walang nasaktan sa pagkamit ng payapang pagdiriwang ng New Hear.
Samantala, kinumpirma ni Estomo na walang pulis NCRPO ang nagpaputok ng kanilang service firearms sa pagsalubong sa Bagong Taon. (Bhelle Gamboa)