Pangulong Marcos nakaalis na ng bansa para sa 3-day visit sa China
Nakaalis na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa 3-day visit nito sa China.
Sa naturang pagbisita, inaasahang palalakasin ng dalawang bansa ang ugnayan sa trade and investment at tutugunan din ang mga security issues.
Umalis sa Maharlika Villamor Airbase sa Pasay City ang presidential plane 1:30 ng hapon ng Martes (Jan. 3).
Sa kaniyang departure speech, sinabi ng pangulo na isusulong din niya sa naturang biyahe ang mga usapin hinggil sa agrikultura, enerhiya, at infrastructure.
Inaasahang magpupulong sina Marcos at si Chinese President Xi Jinping.
Lalagda din si Marcos sa mga bilateral agreements sa China. (DDC)