Utos ni Pangulong Marcos na suspendihin ang premium rate hike tatalakayin ng PhilHealth Board

Utos ni Pangulong Marcos na suspendihin ang premium rate hike tatalakayin ng PhilHealth Board

Magsasagawa ng pulong ang PhilHealth Board bukas Jan. 4 kasunod ng utos ng Malakanyang na suspendihin ang pagpapatupad ng pagtaas sa premium rate at income ceiling ng mga miyembro ng PhilHealth ngayong taon.

Sa joint statement sinabi ng Department of Health (DOH) at ng PhilHealth na kanila ng natanggap ang desisyon mula sa Office of the President na nagpapataw ng suspensyon sa pagpapatupad ng Premium Contribution Increase mula sa 4% patungong 4.5%.

Ayon sa DOH ang Premium Contributions na kinukulekta sa mga miyembro ng PhilHealth ay para mapondohan ang pagpapalawig pa ng mga benepisyo sa ilalim ng Universal Health Care law.

Ayon sa pahayag, kinikilala ng DOH at PhilHealth ang pangangailangan na suspedihin pagtataas sa kontribusyon para makatulong sa mga kababaayan na apektado ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin.

Ayon pa sa DOH nakapagpatupad na din ng kahalintulad na moratorium noong taong 2020 at 2021.

Sa nilagdaang memorandum ni Executive Secretary Lucas Bersamin inatasan ang DOH na ihinto muna ang pagtaas sa premium rate patungong 4.5%, at pagtaas ng income ceiling mula P80,000 patungong P90,000 ngayong 2023.

Sa ilalim ng Universal Healthcare Law, kailangang itaas ang PhilHealth contribution rate hanggang 5% pagsapit ng 2024. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *