Negosyanteng si MVP nag-alok ng tulong sa pamahalaan para maiwasang maulit ang aberya sa paliparan

Negosyanteng si MVP nag-alok ng tulong sa pamahalaan para maiwasang maulit ang aberya sa paliparan

Inialok ng ng negosyanteng si Manny V. Pangilinan ang serbisyo ng kanilang mga kumpanya para maiwasan na maulit ang problemang naranasan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at iba pang mga paliparan sa bansa dahil sa isyu sa power supply sa Air Traffic Management Center.

Isa si Pangilinan sa naapektuhan ng paghinto ng operasyon ng NAIA noong Jan. 1, 2023.

Ayon kay MVP, hindi nakalapag sa NAIA ang sinakyan niyang eroplano galing Tokyo kaya kinailangan nilang bumalik ng Japan.

Sa kaniyang tweet, nag-alok si MVP ng tulong sa Department of Transportation (DOTr) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Sinabi ni MVP na mahalagang mayroong dalawa o tatlong nationwide data centers ang mga paliparan.

Para maisakatuparan ito ay mangangailangan aniya ng connectivities gaya ng fiber, satellite, at wireless.

Sa ganitong paraan mapalalakas aniya ang power supply protection at maiiwasang maulit ang kahalintulad na insidente. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *