Mahigit P2 pagtaas sa presyo ng diesel at gasolina ipatutupad ng mga kumpanya ng langis
Magpapatupad ng mahigit P2 pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.
Sa abiso ng mga kumpanya, tataas ng P2.90 ang kada litro ng gasolina.
May dagdag naman na P2.10 ang presyo ng kada litro ng diesel.
Habang P3.05 ang dagdag sa presyo ng kada litro ng kerosene.
Ipatutupad pagtaas ng presyo bukas, araw ng Martes (Jan. 3). (DDC)