Naitalang kaso ng fireworks-related injuries umakyat na sa 211

Naitalang kaso ng fireworks-related injuries umakyat na sa 211

Umabot na sa 211 ang bilang ng naitalang fireworks-related injuries ng Department of Health (DOH) simula noong Dec. 21 hanggang 2, 2022.

Ayon sa DOH, nakapagtala ng dagdag na 74 pang bagong kaso ng fireworks-related injuries.

Ang datos na mula sa 61 sentinel hospitals sa buong bansa ay 16 percent na mas mataas kumpara sa kaparehong petsa noong nakaraang taon.

Ayon sa DOH, ang limang paputok na pangunahing dahilan ng pagkasugat ng mga biktima ay ang Kwitis, Boga, 5-Star, Fountain, at iba pang hindi tukoy na uri ng paputok.

Karamihan sa mga biktima ay nagtamo ng sugat sa kamay (76), mata (59), binti (29), ulo (25) at braso (23).

Wala pa namang naitatalang kaso ng fireworks ingestion at insidente ng nasaktan dahil sa stray bullet. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *