COVID-19 positivity rate sa NCR bumaba sa nakalipas na isang linggo
May pagbaba sa naitalang positivity rate ng COVID-19 sa Metro Manila sa nakalipas na isang linggo.
Ayon sa OCTA Research, mula sa 11.6 percent na positivity rate noong Dec. 24 ay bumaba ito sa 9.1 percent noong Dec. 31.
Bumaba din ang positivity rate sa Camarines Sur mula sa 27.3 percent patungo sa 16.6 percent na lamang.
May pagtaas naman ng positivity rate sa lalawigan ng Isabela mula sa 21.2 percent patungo sa 37.6 percent.
Sa Bulacan, malaki ang ibinaba ng positivity rate ng COVID-19 na umabot na lang sa 4.4 percent. (DDC)