LPA magpapaulan sa bahagi ng Visayas at Mindanao
Magdudulot ng pag-ulan sa bahagi ng Visayas at Mindanao ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA.
Ayon sa PAGASA ang LPA ay nakaaapekto sa eastern sections ng Visayas at Mindanao.
Habang apektado naman ng Amihan ang buong Luzon.
Dahil sa LPA, makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ngayong araw sa Eastern Visayas, Central Visayas, Caraga at Davao Region.
Maulap na papawirin din ang mararanasan sa Cagayan Valley, Aurora, Quezon, at Bicol Region dahil sa Amihan.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman na may mahinang pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng Luzon. (DDC)