LTFRB nagtalaga ng shuttle service para maihatid sa Clark Airport ang mga pasaherong na-istranded sa NAIA

LTFRB nagtalaga ng shuttle service para maihatid sa Clark Airport ang mga pasaherong na-istranded sa NAIA

Nagtalaga ng shuttle service ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para masakyan ng mga pasaherong na-stranded sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos magkaproblema ang Air Navigation Facilities ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Ang mga shuttle service ng LTFRB ang naghatid sa mga pasahero patungong Clark International Airport.

Layunin nitong maprotektahan ang mga pasahero sa mga taxi at Transport Network Companies (TNCs) na maaaring magsamantala sa sitwasyon at magtaas ng singil sa pamasahe.

ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, agad silang nakipag-ugnayan sa mga transport operator sa National Capital Region at sa Region 3 para maglaan ng bus transportation services na libre para sa mga stranded na pasahero.

Tiniyak din ni Guadiz ang pagbabantay sa sitwasyon sa NAIA upang masigurong hindi magsasamantala sa singil ang mga taxi at TNCs. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *