85 nasugatan sa paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 85 fireworks-related injuries sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Sa press briefing, sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na umabot na sa 137 ang bilang ng fireworks-related injuries na naitala ng ahensya simula Dec. 21, 2022 hanggang Jan. 1, 2023.
Mas mababa aniya ito ng 15 percent kumpara sa 162 cases na naitala sa parehong petsa noong pagsalubong sa 2022.
Pinakamaraming naitalang nasugatan sa pagsalubong sa Bagong Taon sa Metro Manila na mayroong 64 na katao.
Kasunod ang Western Visayas – 16 at Central Luzon – 12.
Sa 85 nasugatan, 49 ang nagtamo ng sugat sa kamay, 41 sa mata, 20 sa binti, 14 sa ulo at 11 sa hita.
Ang limang uri ng paputok na naging pangunahing sanhi ng pagkasugat ay ang boga, kwitis, 5-star, whistle bomb, at super lolo. (DDC)