Presyo ng LPG bumaba sa unang araw ng taong 2023
Bumaba ang presyo ng liquefied petroleum gas o LPG sa unang araw ng taong 2023.
Sa abiso ng kumpanyang Petron nagpatupad ito ng P4.20 na rollback sa kada kilo ng kanilang LPG.
Katumbas ito ng mahigit P46 na bawas sa bawat 11-kilogram na LPG cylinder.
Nagpatupad din ang Petron ng P2.35 na bawas sa kada litro ng kanilang AutoLPG.
Ang rollback ay epektibo madaling araw ng Jan. 1, 2023.
Sa hiwalay na abiso, sinabi ng kumpanyang Solane na nagpatupad din sila ng P3.09 na rollback sa kada kilo ng kanilang LPG.
Katumbas ito ng bawas na P33.99 sa bawat 11-kilogram na LPG cylinder.
P2 naman ang bawas ng kumpanyang Regasco sa kanilang LPG o katumbas ng P22 na bawas sa 11-kilogram LPG cylinder. (DDC)