Pangulong Marcos nagtalaga ng bagong undersecretary at assistant secretary sa OPS
Nagtalaga ng bagong undersecretary at assistant secretary si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Office of the Press Secretary (OPS).
Hinirang ng pangulo si Cherbett Karen L. Maralit bilang bagong undersecretary sa OPS at si Francisco P. Rodriguez III bilang assistant secretary.
Kapwa nanumpa ang dalawa sa tungkulin na pinangunahan ni Marcos.
Nagsilbi bilang Chief of Staff ni dating Senate Minority Leader at ngayon ay Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile at Senator Pro Tempore Loren Legarda si Maralit.
Habang naging head writer naman ng pangulo si Rodriguez noong nakaraang presidential campaign. (DDC)