5 panabong na manok, 1 turkey na dadalhin dapat ng Bacolod nakumpiska
Nakumpiska ang limang panabong na manok at isang turkey sa Baseport Iloilo.
Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA) ang mga nakumpiska ay lulan ng isang Honda City na patungo sana sa Baseport Banago sa Bacolod.
Mayroon ding nakumpiskang humigit-kumulang na 300,000 na table eggs mula sa South Cotabato na sa Banago Port sa Bacolod.
Ang pagkumpiska ay alinsunod sa Executive Order No. 22-62 Series of 2022 ng Probinsya ng Negros Occidental kung saan ipinagbabawal ang pag-angkat ng mga sumusunod:
•Live Domestic and Wild Birds
•Products of live domestic and wild birds; including
•Eggs and manure
Pinapaalalahanan ng PPA ang mga pasahero na hangga’t maaari, huwag magdala ng mga ipinagbabawal na produkto kung papunta sa probinsya ng Negros Occidental upang maiwasan ang abala sa pagbiyahe. (DDC)