Malakanyang umapela sa publiko na gawing ligtas ang pagsalubong sa Bagong Taon
Umapela ang Malakanyang sa mamamayan na gawing ligtas ang pagsalubong sa Bagong Taon.
Ayon sa Office of the Press Secretary, tradsiasyon na ng mga Pilipino na salubungin ang Bagong Taon na may ingay, pero hindi maiiwasan ang disgrasya kapag patuloy na gumamit ng paputok na may masamang epekto din sa kalusugan at kapaligiran.
Paalala ng OPS, gumamit na lamang ng alternatibong paputok o pampaingay para panatilihing ligtas ang pagsalubong sa Bagong Taon kasama ang pamilya at mga kaibigan.
Ayon sa OPS, maliban sa paputok, ay maaaring gumamit ng mga kagamitan sa bahay para makapag-ingay. (DDC)