Mahigit 220,000 na magsasaka at mangingisda nadagdagan ang kita dahil sa mga itinayong Kadiwa Store ng pamahalaan

Mahigit 220,000 na magsasaka at mangingisda nadagdagan ang kita dahil sa mga itinayong Kadiwa Store ng pamahalaan

Umabot sa mahigit 220,000 na mga magsasaka at mangingisda ang nagkaroon ng karagdagang income dahil sa Kadiwa Stores at outlets na itinayo ng pamahalaan.

Ang mga Kadiwa Stores ay proyekto ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa year-end report, sinabi ng pamahalaan na umabot sa P418 million ang kinita sa 19,383 Kadiwa selling activities, at nakapag-serbisyo sa 1.22 million households at nakinabang ang 450 farmer cooperatives and associations (FCAs) at agri-fishery enterprises sa buong bansa.

Sa ilalim ng Kadiwa ng Pasko, ang Department of Agriculture (DA) ay nagtayo ng 15 Agri-Pinoy Trading Centers sa buong bansa na pinakinabangan ng 219,201 na mga magsasaka at mangingisda.

Target ng pamahalaan na ipagpatuloy ang mga Kadiwa Stores kahit matapos na ang holiday season. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *