Lalaki arestado sa pagbebenta ng paputok online

Lalaki arestado sa pagbebenta ng paputok online

Arestado ang isang lalaki dahil sa pagbebenta ng paputok online sa Caloocan City.

Ayon kay Caloocan City Mayor Along Malapitan, naaresto ng mga tauhan ng Northern District Anti-Cyber Crime Team (NDACT) ang suspek na si Godfrey Bong Baylon Capanas Jr., 27 anyos.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 7183 o “An Act Regulating The Sale, Manufacture, Distribution, and Use of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices”.

Nakumpiska mula sa kaniya ang 30 pirasong kingkong, 10 pirasong TUNA, at apat na Bin Ladin.

Nakiusap naman si Malapitan na na makiisa sa panuntunan ng lokal na pamahalaan upang mapanatiling ligtas at payapa ang pagdiriwang ng Bagong Taon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *