Halos 500 work permits naipalabas ng DOLE sa mga dayuhan sa Davao
Nakapag-isyu ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng halos 500 work permits sa mga dayuhang manggagawa sa Davao Region.
Tiniyak ng DOLE Region XI ang pagbibigay proteksyon sa mga Filipino worker sa rehiyon at pagtitiyak na masawata ang mga dayuhang ilegal na nagtatrabaho sa bansasa pamamagitan ng mahigpit na pagpaaptupad ng Employment Regulatory Services, partikular sa pag-iisyu ng Alien Employment Permit (AEP).
Hanggang noong December 20, 2022, sinabi ng DOLE XI na nakapag-isyu ito ng 493 AEPs sa mga foreign national na nagtatrabaho sa Philippines-based employer.
Sa nasabing bilang, 85.2%, o na dayuhan ang naka-base sa Davao City.
Ang top 5 na mga dayuhan na nabigyan work permit ay pawang Indian, Chinese, Indonesian, Japanese, at Pakistani.
Karamihan sa kanila ay pawang nagtatrabaho bilang operations manager, marketing officer, at electrical specialist. (DDC)