MWSS pinagpapaliwanag ang Maynilad sa paulit-ulit na service interruptions

MWSS pinagpapaliwanag ang Maynilad sa paulit-ulit na service interruptions

Pinagpapaliwanag ng Metropolitan Waterworks & Sewerage System (MWSS) ang Maynilad dahil sa paulit-ulit na water service interruptions nito na nakaapekto sa kanilang customers.

Ayon sa MWSS partikular na apektado ng patuloy na service interruptions ay ang mga sineserbisyuhan ng Putatan Water Treatment Plants.

Sa inilabas na Notice to Explain (NTE) ng MWSS nakasaad na nagkulang ang Maynilad sa pagpapalabas ng mga abiso at notice hinggil sa service interruption schedules.

Sinabi rin sa NTE ng WSS na dumarami ang mga reklamong namomonitor ng ahensya hinggil sa service interruptions ng Maynilad.

Inatasan din ang Maynilad na agad resolbahin ang problema.

Ayon sa MWSS, kung magpapatuloy ang problema ay hingi ito mangingiming patawan ng parusa ang Maynilad ng kahalintulad ng ipinataw na financial penalty sa kumpanya noong buwan ng Oktubre. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *