Naitalang kaso ng fireworks-related injuries umakyat na sa 36
Umabot na sa 36 ang bilang ng naitalang fireworks-related injuries ng Department of Health (DOH) simula noong Dec. 21 hanggang 29, 2022.
Ayon sa DOH, nakapagtala ng dagdag na 4 pang bagong kaso ng fireworks-related injuries.
Ang datos na mula sa 61 sentinel hospitals sa buong bansa ay 44 percent na mas mataas kumpara sa kaparehong petsa noong nakaraang taon.
Ayon sa DOH, ang limang paputok na pangunahing dahilan ng pagkasugat ng mga biktima ay ang boga, whistle bomb, 5-Star, kwitis at camara.
Karamihan sa mga biktima ay nagtamo ng sugat sa mata (16), kamay (12), at braso (4).
Wala pa namang naitatalang kaso ng fireworks ingestion at insidente ng nasaktan dahil sa stray bullet. (DDC)