DOTr at DOST bubuo ng sistema para maipatupad ang cashless payment sa mga public transportation sa bansa
Magtutulungan ang Department of Transportation (DOTr) at Department of Science and Technology (DOST) sa pagbuo ng mga teknolohiya para magkaroon ng cashless payment ang sistema ng transportasyon sa bansa.
Ito ay bilang suporta sa programa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na “Build Better More.”
Nilagdaan ng dalawang ahensya ang kasunduan na layong magtayo ng isang testing at validation facility para sa Automated Fare Collection System (AFCS) sa pamamagitan ng Electronics Product Development Center (EPDC) ng DOST.
Ang EPDC ang kauna-unahang dedicated government electronics development at one-stop-shop facility na nagbibigay ng design, prototyping, at testing services sa electronics industry.
Sa ilalim ng proyekto, ang mga commuter ay maaaring pumili ng iba’t ibang paraan ng pagbabayad ng pamasahe. (DDC)