Sari-Sari stores at mga karinderya sa Marikina City exempted sa pagbabayad ng buwis

Sari-Sari stores at mga karinderya sa Marikina City exempted sa pagbabayad ng buwis

Nilagdaan ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro ang Ordinansa na nagbibiday ng exemption sa mga Sari-Sari Store at karinderiya sa lungsod sa business permit fees at sa pagbabayd ng business tax.

Sa ilalim ng nasabing ordinansa bibigyan ng 100% tax relief para sa Business Permit Fees at iba pang local regulatory fees and charges ang mga kwalipikadong Sari-Sari Store at karinderya sa buong Lungsod ng Marikina sa taong 2023.

Kabilang sa sakop ng ordinansa ang mga Sari-Sari Store at karinderya na:

– Mayroong start-up capital o paunang puhunan na hindi hihigit sa P10,000
– May taunang benta na hindi hihigit sa P180,000.
– Hindi nagbebenta ng sigarilyo at alak.

Nais ni Teodoro na makatulong upang makabawi, kumita at makapagbigay-kaluwagan sa mga maliliit na negosyante sa Marikina. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *