Paggamit ng paputok sa Las Piñas mahigpit na ipinagbabawal
Pinaalalahanan muli ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas ang mga residente na huwag gumamit ng paputok para sa kanilang kaligtasan sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Ito ay bilang bahagi ng lokal na pamahalaan sa ipinapatupad nitong Oplan Iwas Paputok 2022.
Ayon sa City Ordinance Number 1484-17, mahigpit na ipinagbabawal ng Las Piñas LGU ang paggamit ng mga paputok sa mga bahay sa kasagsagan ng pagsalubong sa Bagong Taon.
Ang mga lumabag ay pagmumultahin ng P1,000 hanggang P5,000 o pagkakulong mula tatlong buwan hanggang anim na buwan batay sa magiging pasya ng korte. (Bhelle Gamboa)