Ikatlong tranche ng TRAIN Law ipatutupad na sa Jan. 1, 2023
Magandang balita para sa mga taxpayer!
Simula sa January 1, 2023 ay mababawasan pa ang babayarang buwis ng ilang empleyado sa gobyerno at pribadong sektor dahil ipatutupad na ang ikatlong tranche ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law o TRAIN Law.
Ayon sa Malakanyang, ang mga indibidwal na kumikita ng mababa sa P250,000 bawat taon ay mananatiling exempted sa pagbabayad ng personal income tax.
Kung lagpas ng P250,000 ang kita kada taon pero hindi hihigit sa P400,000 ang babayarang buwis ay 15 percent ng kinita na lalagpas sa P250,000.
Para naman sa mga kumikita ng mahigit P400,000 pero hindi lalagpas sa P800,000 ang babayarang buwis ay P22,500 plus 20 percent ng lalagpas sa P400,000.
Para naman sa mga mababa sa P8 milyon ang kinikita, magkakaroon ng mas mababang buwis mula 15% hanggang 30%.
Samantala, 35% pa rin ang buwis ng mga indibidwal na kumikita ng mahigit P8 milyon. (DDC)