Mahigit P3.2 million na halaga ng tulong naipamahagi na ng DSWD sa mga nasalanta ng pag-ulan at pagbaha noong Pasko

Mahigit P3.2 million na halaga ng tulong naipamahagi na ng DSWD sa mga nasalanta ng pag-ulan at pagbaha noong Pasko

Patuloy ang pamamahagi ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang naapektuhan ng pag-ulan at pagbaha dulot ng Shear Line noong Pasko.

Ayon sa DSWD, umabot na sa P3.2 million na halaga ng tulong ang naipamahagi sa ikinasang disaster response operations na kinabibilangan ng family food packs at non-food items.

Ipinamahagi ito ng DSWD sa Regions VIII, IX, at Caraga.

Ayon sa ulat ng DSWD-Field Offices sa tatlong nabanggit na rehiyon, mahigit 34,751 na pamilya o 133,443 na katao ang naapektuhan ng kalamidad.

Sa nasabing bilang, 12,154 na pamilya pa o 51,386 na katao ang nananatili pa sa mga evacuation center.

Nakapagtala din ng 133 na bahay na napinsala ng pag ulan at pagbaha.

Samantala nakapagtala din ng insidente ng pagbaha sa Bicol region.

Ayon sa DSWD Field Office V also mayroong mahigit 17,100 ang naapektuhan ng pagbaha sa Bicol Region.

Nakapamahagi na ang DSWD ng mahigit P1.6 million na halaga ng tulong sa mga binaha sa Bicol Region. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *