24/7 Complaint Center para sa SIM Registration inilunsad ng DICT

24/7 Complaint Center para sa SIM Registration inilunsad ng DICT

Kasabay ng pormal na pagsisimula ng SIM Card Registration araw ng Martes, Dec. 27 ay bumuo ng 24/7 Complaint Center ang Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa mga mayroong reklamo sa pagpaparehistro ng kanilang SIM Cards.

Ayon kay DICT Spokesperson and Undersecretary Anna Mae Y. Lamentillo, ang unang dalawang linggo ng pagpapatupad ng SIM registration ay ituturing na test period kung saan aasahan ang pagkakaroon ng glitches o technical issues habang inaayos ng mga public telecommunications entities (PTE) ang proseso.

Bagaman balido ang pagpaparehistro sa unang dalawang linggo, aasahan aniya na makararanas ng mga problema lalo pa at bago ang proseso para sa mga subscriber at PTEs.

Sa 15-day test period, inaasahang pag-aaralan ng mga telco kung ano ang kailangang ayusin sa kanilang proseso.

Ang 24/7 complaint center ay magsisilbing support system para sa pagpapatupad ng SIM registration at magsisilbing platform kung saan ang mga SIM subscribers ay puwedeng mag-report ng kanilang concerns at magbigay ng suhestyon.

Ang The Complaint Center para sa SIM Registration ay sa pangangasiwa ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na ahensyang nasa ilalim ng DICT.

Para sa mga concern kaugnay sa SIM registration maaaring tumawag sa hotline 1326. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *