Dating journalist na si Edu Punay itinalaga bilang DSWD OIC
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang dating journalist na si Edu Punay bilang officer-in-charge sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ito ay makaraang hindi pa rin makumpirma ng Commission on Appointments (CA) si DSWD Sec. Erwin Tulfo.
Nitong mga nagdaang araw si Punay na din ang kumakatawan sa DSWD sa mga aktibidad nito.
Kabilang dito ang pamamahagi ng Pamaskong Handog ni Pangulong Marcos sa mga bata at IPs sa Maynila kamakailan. (DDC)