Kaso ng influenza-like illnesses tumaas ngayong taon
Nakapagtala ng pagtaas sa kaso ng mga influenza-like illness ang Department of Health (DOH).
Ayon sa datos ng DOH, simula Jan. 1 hanggang Dec. 3, 2022 ay nakapagtala na ng 114,278 na influenza-like illnesses na mas mataas ng 45 percent kumpara sa naitala sa parehong petsa noong nakaraang taon.
Sa nasabing bilang, 29 percent o 32,778 ng mga nagkasakit ay mga batang edad 1 hanggang 4 na taon.
Paalala ng DOH sa publiko, agad na mag-isolate kapag nakaralas ng mga sintomas gaya ng lagnat, trangkaso, at ubo.
Mas mainam na maging maingat ayon sa kagawaran, dahil ang sintomas ng mga influenza-like illness ay kahalintulad ng sintomas ng COVID-19. (DDC)