55 CTG members sumuko sa NCRPO kasunod ng pagkamatay ni Joma Sison

55 CTG members sumuko sa NCRPO kasunod ng pagkamatay ni Joma Sison

Bilang pagtugon sa panawagan para sa kapayapaan at pagkakaisa ng Philippine National Police (PNP), sumuko ang 55 na kasapi ng Criminal Terrorist Group (CTG) kasunod ng pagpanaw ng kanilang tumatayong lider na si Joma Sison sa mismong pagdiriwang ng ika-54 na anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP) ngayong Disyembre 26.

Muling binanggit ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, Major General Jonnel C. Estomo anf panawagan ni PNP Chief, Gen Rodolfo Azurin, Jr. sa lahat ng kasapi at tagasuporta ng CTG na sumurender na at mangako ng katapatan sa gobyerno.

Kasunod sa pagkamatay ng kanilang lider na si Sison, umapela ang pamahalaan sa mga miyembro ng CPP-NPA na tumigil na sa pakikibakbakan at manumbalik sa lipunan para sa pagkamit ng kapayapaan at pagkakaisa sa bansa.

“We believe that despite the difference in belief and ideology, we are one in pursuing a safe and progressive community for our children and families.” sabi ni MGen Estomo.

Para sa mga dekada, pinamunuan ng self-exiled na si Joma Sison ang CPP-NPA mula sa abroad partikular sa Netherlands.

Ang pagpanaw ni Sison ay nagresulta ng matinding pagkasira ng impluwensiya,kapabilidad at tauhan sa matagal na panahong kaguluhan sa bansa.

Ang kanyang mga tagasuporta umano gaya ng Gabriela Partylist, League of Filipino Students, Concerned Artists of the Philippines at iba pa ay nagpakita ng pagbibigay-respeto sa pumanaw na Communist Party founder.

“We never meant to ‘red tag’ anybody. We only call for peace and unity. This decade-long armed conflict has brought so much violence in our country already. It is high time to finally end this, move on, and unite towards the betterment of this nation,” dugtong ni MGen Estomo.

Kaugnay nito,ang 55 ay kabilang sa ilang CTG members ang pormal na nag-alis ng kanilang katapatan mula sa makakaliwang organisasyon sa idinaos na programa sa NCRPO Hinirang Hall,Camp Bagong Diwa, Taguig City kung saan nagsilbing guest of honor at speaker ang PNP Chief.

Isinuko rin ng mga ito ang ba’t ibang uri ng matataas na kalibre ng baril, base radio module; assorted keypad cellphone; at 10 na IED (PVC Pipe Bomb).

Nanumpa ang mga ito ng katapatan sa gobyerno at sibira ang CTG flags.

“Napakagandang regalo po ng inyong pagsuko at pagbabalik loob sa inyong mga mahal sa buhay, kaibigan at pamilya. Makakaasa po kayo na ang PNP ay laging handang sumuporta sa inyong hangarin na talikuran at iwaksi ang komunismo at karahasan upang sama-sama tayong makapag simula muli ng isang mas maayos, tahimik at payapang buhay.
Gayundin naman, palagi pong bukas ang kamay ng ating gobyerno para yakapin pabalik at tulungang magsimula muli ang sinoman na nais ng sumuko sa walang saysay na pakikibaka,” pahayag ng PNP chief.

Simula noong Enero 2022 hanggang sa kasalukuyan, nakapagpasuko ang NCRPO ng 155 CTGs at isa ang patay sa operasyon ng otoridad. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *