Unang araw sa sinehan ng mga pelikulang kalahok sa MMFF naging matagumpay ayon sa MMDA

Unang araw sa sinehan ng mga pelikulang kalahok sa MMFF naging matagumpay ayon sa MMDA

Naging matagumpay ang unang araw ng screening ng mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Nagpasalamat si MMDA acting Chairman Romando Artes sa lahat ng tumangkilik sa walong pelikula na bahagi ng MMFF 2022 sa unang araw pa lamang nito noong Araw ng Pasko.

Sinabi ni Artes na pinilahan ang mga sinehan hindi lamang Metro Manila kundi maging sa iba pang bahagi ng Luzon, sa Visayas, at sa Mindanao.

Umaasa si Artes na magpapatuloy ang suporta ng publiko hanggang sa pagtatapos ng MMFF sa January 7.

“Ako, kasama ang buong pamunuan ng Metro Manila Film Festival, ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng tumangkilik sa walong pelikulang bahagi ng MMFF 2022 sa unang araw pa lamang nito kahapon, Araw ng Pasko,” sabi ni Atty. Artes.

Malaking bagay aniya ito upang matulungan na unti-unting makabangon ang industriya ng pelikulang Pilipino na labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic. (DDC, Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *